GHOST FIGHTER TEKS (Local Pinoy Collectible Cards/Playing Cards)

Sometime in the year 1995-1996, una kong nadiskobre ang Ghost Fighter (Yu Yu Hakusho) na pinalabas non sa IBC-13 (kung hindi ako nagkakamali). Eversince, nahumaling na ako sa palabas na mahal na mahal ko hanggang ngayon. Like every other kid, fan din ako ng Dragon Ball Z pero totally ng switched ako ng fandom mula nong madiskobre ko ang kaastigan nina Eugene at mga kasamahan.

First Print edition Teks. (90s)

24959094_911315095689598_1923490636381053166_o
Some of the 1st print edition, Photo: Vhin Gualvez

First of all, ano nga ba ang “TEKS”? In the modern society iba na ang kahulugan neto. Pero para sa mga batang 90s, 80s, 70s, — ito ay mga half-sized na locally produced cards sa Maynila na masasabi nating bootlegs dahil walang kilalang manufacturer ang naka-imprinta sa mga cards or pakete nila. (Wala na sigurong mas comprehensive pang sagot non, lahat ng batang lumaki sa nakaraang tatlong dekada alam yata yan eh).

Now balik sa topic. Dati pa mn, nagko-kolekta na ako ng mga teks at cards dahil mahilig ako mag-drawing kung saan dito ko sila ginagaya. At dahil sikat na sikat ang Ghost Fighter eh magpapahuli pa ba ako? Syempre hindi. So pag-usapan natin ang mga teks dahil hanggang ngayon may mga iilang die-hard fans ng GF na patuloy pa rin sa pangongolekta. Nong papasok kase ang year 2000s, may mga bagong degraded na quality ng mga teks na naglalabasan sa bangketa. Bagamat hindi ito pansin ng karamihang mamimili, eh kameng mga kolektor na metikuloso sa kalidad ay pansin ito. Kaya’t nagsimula ang paghahanap, at pagdayo sa karatig bayan. In this age of social media, may online hunting para lang makakuha ng magagandang teks na tinawag nameng “Classic”………o mas kilala ngayon bilang “FIRST PRINTS”.

Note: Classic, dahil sa murang kaisipan, yung lang ang kaya namin mabanggit sa aming paghanga sa kalidad. First Prints: Ewan, narinig ko lang yun sa kanila. Pero,….. dahil ito yung mga unang inimprinta at pinalabas sa local market. : D

In-demand ang first prints sa mga metikulosong teks kolektors kahit pa man sa ibang teks (DBZ, Fushigi-Yugi, Sailormoon, Voltes V.)

Ayon sa mga nakapanayam ko sa card collection community, naglabasan ang unang limbag taong 1995-1997 kung saan patterned ang mga artworks neto sa “Carddass” na orihinal na released sa Japan (1993-1995).

In no particular order, ang mga sumusunod ay ang mga 1st print edition teks na nailimbag taong 1995-1997. Kung alin ang mga ito ay itinuturing na mataas na kalidad ng teks.

(Dahil sa kakulangan ng mapagkukunan ng mga teks sa kadahilanang bihira na lamang ito, pagpasensyahan nyo na po ang kakarampot na sample pictures na maibibigay ko.)

  • The Super Battle – Patterned sa original na Japan carddass kung alin ito ay may limang-parte. (parts 1-5) pero malamang sabay itong nilabas lahat sa local bootlegs. Bawat parts ay merong 36 na piraso at (6 prism na malamang ay hindi na naimprinta).

 

 

 

  • Banpresto– 3 parts sa original na release. Sa part 1, may piling artworks neto na ginawa lang back covers ng ilang 1st prints pero parang  parts 2 and 3 lang yata ang fully nilabas sa Pinas. —- Part 2 – 12 na piraso, 6 prism.  Twin-Chara – 24 normal cards. (Malamang hindi rin kasali ang prism sa inimprinta neto).

 

 

 

  • Poker (Trump) – Parang baraha na may 52 piraso ang bawat set. 40cards at Battle Trump cards lang kilala nameng pangalan. Yung iba poker nlng tawag namen.

 

 

 

 

  • Story Collection – Ito yung card series na naka depict yung setting sa tv show episodes. Mula sa unang kabanata hanggang sa Dark Tournament Saga. (54 na piraso),(malamang walang prism na kopya sa local).

 

ghostfighter10
Story Collection, Photo: Author

 

  • Hero Collection – Konti lang pinalabas neto sa local teks.

 

hero collection
Hero Collection. Photo: Reden Naval

 

  • Amada Pack Pull – 36 normal, 6 prism. ( parts 1-4)
ghostfighter13
Amada Pack Pull part 3, Photo: Author
  • Memorial – 36 normal, 6 prism
memorial
Photo: Jonathan Jonas Maravilla

 

  • Bandai carddass parts 1-7
ghostfighter14
Bandai carddass, Photo: Author
  • Movie card – Ito yung stills ng Ghost Fighter-The Movie. (kita ang low quality ng picture sa card)

31sddiyWv5L

 

2K Millenium Variants (1999- early 2000s)

Typically ang mga lumabas during sa period na ito ay reproduction lang din ng 90s edition. Ang iba ay zoomed-in at cropped para lang magkaroon ng tila bagong mukha. Ito na yong panahon na naglabasan din ang mga pangit na quality ng cards na para bang pang fan arts lang o di kaya’y kinunan lang ng picture yung TV..(LOL!) We can only speculate na during these times, baka hinabol na yung mga manufacturers ng mga copyrights owner.

 

 

 

 

 

  • Jack en Poy – Reprints ng carddass 1-7 at Super Battle cards atbp.
jack n poy stone
Photo: Nhoel Espiritu
  • Premium – Reprints ng Story Collection atbp.

31sddiyWv5L

  • Supreme – Reprints ng Amada PP part 1 card atbp. (RED)
Supreme
Photo: Nhoel Espiritu
  • Deluxe – Reprints ng Amada PP part 4 card atbp.

31sddiyWv5L

  • Classic – Reprints ng Banpresto 2 at Twin Chara atbp.

 

 

  • Black Jack – Poker style atbp. (May kulay puti at colorful na variant)

 

 

  • D’Best series 1-100………..Mega……..at marami pa.
Dbest eugene
Photo: Nhoel Espiritu
  • Local Big Cards

31sddiyWv5L

Some more…..

I’ll try my best to be euphemistic about this, pero ito na yung sinasabi kong parang fan arts, na hindi ko maintindihan bakit nagka ganito. Gayunpaman, maganda pa rin ito kolektahin at sa katunayan, karamihan sa naitabi ng mga fan ng Ghost Fighter teks eh mga ganitong klaseng cards. Ohhhh….may teks ka pa dba?……dami nga naiinggit sayo dyan eh. So be proud!

 

 

 

 

Actually, mas marami pang variants ng teks releases ang hindi namin maipapakita dito dahil sa kakulangan ng mapagkukunan ng impormasyon at source. Pero gayonpaman ay ayos na din. Ang importante meron tayong konting naitabi para maalala at mapag-usapan at pinakamahalaga sa lahat, ang post na ito ay magsilbing reference ng inyong collection.

Isa sa pinaka-paborito ko mga set na ito ay ang Battle Trump na kulay puti na parang baraha ang estilo. Ito kase yung pinakaunang GF teks na nasilayan ko kaya very nostalgic.

gftrump
Photo: Jefferson Rilveria

 

Speaking of Nostalgia, kahit anong klaseng teks pa man ang hawak natin ngayon basta may history at sentimental value ito sa atin eh mahalaga at mataas pa rin ang value neto dahil masasayang alaala ng kabataan ang dala nito sa atin.

Kung kayo po ay kolektor ng mga teks lalong-lalo na sa Ghost Fighter, maari po kayong mag-share ng mga larawan, impormasyon at kwento sa comment section o di kaya ay samahan kame sa aming facebook page na Pinoy Card Collectors

Para naman po sa mga collectors, ito po ang ating GF checklist article. Ghost Fighter Cards/Teks Checklist

 

*****************************************

 

 

(Ang paksang ito ay kasalukuyang ginagawa ng may akda. Kung kayo po ay mayroong kaalaman na nais nyong ibahagi, maaring mag-iwan ng mensahe sa comment section….)

Salamat nga pala sa mga nag-ambag ng impormasyon at mga larawan ng mga teks.

List of contributors:

Jonathan Jonas Maravilla
Champ Bagtas Diosay
Oscar Irvin Muga
Reden Naval
Vhin Gualvez
JE Matias
Nhoel Espiritu
Jefferson Rilveria
Nico Mora
Herbert Marzon
Perry Berry, Jr.
Erixon Max

.

.

Salamat po ulit!

 

Advertisements

6 thoughts on “GHOST FIGHTER TEKS (Local Pinoy Collectible Cards/Playing Cards)

Add yours

  1. 1st time ko nakabasa ng detailed content about Ghost Fighter teks! ganda. Meron pala ganyan? Yung nasa baba ng generation nlng naabotan ko eh. nice!

    Like

  2. This blog is very entertaining especially sa mga 90’s kid tulad ko and of course mahilig sa Ghost fighter. kudos sa writer ng blog na ito!!!! u did a very great job!!!

    Liked by 1 person

    1. Hello Icey, thank you for reading and leaving an inquiry. At the moment we have none because i for myself have not enough information and cards of Sailormoon for reference. I may write about it in the future when i get the needed details. Thank you and please check out my other article. This doesn’t have much since i rarely ever get the chance to write and research.

      Like

      1. Many thanks on your reply sir, Hopefully you can do research on Sailormoon, not sure kasi if I have the first edition cards for my reference also…

        Also, very informative this article, i also have Ghostfighter but not the first editions na nga lang…

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: